Caguioa naka-2 na
MANILA, Philippines - Sa bawat laro ng Barangay Ginebra ay may gustong patunayan si Mark Caguioa sa 2011 PBA Governors Cup.
“Mark is proving he is still our main man,” sabi ni head coach Jong Uichico kay Caguioa na nagtala ng averages na 23.0 points at 5.0 rebounds sa dalawang sunod na panalo ng Ginebra laban sa Rain or Shine sa pagtatapos ng elimination phase at kontra sa B-Meg sa pagsisimula ng semifinal round.
Mula sa naturang pagbibida, napili si Caguioa bilang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nakuha ng tubong Vergara, Mandaluyong City ang naturang rekognisyon.
Nagposte si Caguioa ng personal career-high 33 points at 9 rebounds sa 99-79 paggupo ng Gin Kings sa Llamados noong Linggo kung saan tinalo niya sa scoring ang buong B-Meg sa second period, 16-14.
Mula sa isang five-point deficit sa Llamados, tinulungan ni Caguioa ang Ginebra sa pagtatayo ng isang 12-point lead sa halftime bago humugot ng 9 points sa fourth quarter patungo sa kabilang tagumpay.
- Latest
- Trending