^

PSN Palaro

Marcial masusubukan ngayon

-

ASTANA, Kazakhs­tan--Si Filipino prospect Eumir Felix Marcial ang unang lalaban para sa Team Philippines ngayon sa AIBA Junior World Boxing Championships.

Haharapin ng Zam­boanga native sa 52kg division si Henrik Hovannisyan ng Armenia dito sa Kazakhs­tan Sports Palace.

Isang gold medalist at nadiskubre ng Amateur Bo­xing Association of the Philippines (ABAP) sa kanilang national championships sa Cagayan De Oro City, ang 15-anyos na si Marcial ay lalaban sa kanyang unang international event.

“Hindi po ako natatakot. Talagang gusto kong luma­ban para sa bansa natin,” sabi ni Marcial. “Handang-handa na ako sa laban.”

Kumpiyansa naman ang three-time Olympian at head coach na si Romeo Brin sa tsansa ng kanyang mga boksingero na nagsa­nay sa Japan, Belarus, Latvia at Pakistan.

“Though they’re young and new to the environment, they showed poise and are very focused with their main objective here and that is first and foremost to win their initial assignment,” wika ni Brin.

Samantala, lalabanan naman ni South Cotaba­to native Rence Bryan Magarce si Denis Chmy­khin ng Russia bukas sa kanilang 46kg bout.

Si Chmykhin ay luma­ban sa 2010 European School Boys championships sa Bulgaria kung saan niya nakuha ang silver matapos matalo kay Araz Gulmammadov ng Azerbaijan sa 38.5kg Finals.

AMATEUR BO

ARAZ GULMAMMADOV

ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CAGAYAN DE ORO CITY

DENIS CHMY

EUMIR FELIX MARCIAL

EUROPEAN SCHOOL BOYS

HENRIK HOVANNISYAN

JUNIOR WORLD BOXING CHAMPIONSHIPS

KAZAKHS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with