^

PSN Palaro

Azkals bokya sa Kuwait, 0-3

-

KUWAIT - Nahugot ni German coach Michael Weiss ang pinakamagandang laro ng Philippine Azkals sapul nang hawakan niya ito anim na buwan na ang nakararaan.

Kung ito lamang ay namintine ng koponan sa loob ng 90 minuto.

“I think we had a great fight here in Kuwait and the first half was the best match we’ve played so far under my guidance,” sabi ni Weiss matapos isuko ng Azkals ang 0-3 kabiguan sa Al-Azraq ng Kuwait sa first leg sa second round ng 2014 FIFA World Cup Asian Qualifiers noong Sabado ng gabi.

Naging maganda ang depensa ng Azkals sa first half bago ang pasa ni top gun Fahad Al Enezi kay Yousef Naser para sa isang header nito sa 16th minute at kunin ang 1-0 lamang

Bago sagupain ang Azkals, nanggaling ang Al-Azraq sa mga panalo kontra Iraq at Saudi Arabia sa isang four-nation Gulf tournament.

Ang ikalawang goal ng Kuwait ay nanggaling kay defender Mesad Nada matapos ang scramble sa box sa 84th minute na sinundan ng sipa ni Fahed Al Ibrahim matapos ang pitong minuto laban kina Jason Sabio at Jason de Jong.

AL-AZRAQ

AZKALS

FAHAD AL ENEZI

FAHED AL IBRAHIM

JASON SABIO

MESAD NADA

MICHAEL WEISS

PHILIPPINE AZKALS

SAUDI ARABIA

WORLD CUP ASIAN QUALIFIERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with