GTK napikon na, dumiretso sa IOC
Manila, Philippines - Napuno na ang salop ng isang opisyal ng isports na nagsasabing ilegal na inagaw sa kanya ang posisyong hinawakan ng higit sa 20 taon.
At dahil napikon na, dumiretso na siya sa International Olympic Committee (IOC).
Ang pangulo ng Philippine Track and Field Association (PATAFA) at Philippine Karatedo Federation (PKF) na si Go Teng Kok ay sumulat sa pangulo ng IOC na si Jacques Rogge at nakikiusap na magpadala sa bansa ng IOC investigative team upang suriin ang mga seryosong anomalya sa Philippine Olympic Committee (POC) bago ito lumala.
Ang tatlong pahinang liham na ipinadala sa IOC headquarters sa Lucerne, Switzerland ay nagpahayag ng saloobin ni Go ukol sa lumalalang estado ng isports sa bansa, lalo na ang “corruption, malversation of sports funds, election-fixing, and oppression of athletes” sa POC.
Binanggit din ni Go sa liham na ilan sa mga national players ng bansa sa swimming, karatedo, bowling, dragon boat racing, weight-lifting, at wushu ang nagdesisyong huwag nang sumali sa SEA Games sa Indonesia sa Nobyembre.
Isiniwalat ng dating mapagkakatiwalaang opisyal sa POC na siya ay nagbitiw bilang POC Special Assistant to the President dahil hindi na umano niya masikmura and korapsyon at mga illegal na gawain ng pangulo ng POC na si Jose “Peping” Cojuangco, Jr. at kanyang mga kaibigan.
Inisa-isa pa niya sa liham ang mga umano’y corrupt activities ng mga opisyales. Sinulat niyang nakasuhan ng plunder si Cojuangco ng dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) na si Harry Angping dahil sa hindi maipaliwanag na P73.5 milyon na ginamit umano ng POC sa SEA Games. Ang POC chairman naman na si Monico Puentebella ay nakasuhan din ng plunder dahil hindi niya na-liquidate ang P50 milyon mula sa PSC habang si POC treasurer Julian Camacho ay nasampahan ng kasong fraud matapos siyang mahuling kinokolekta ang bayad ng isang dayuhang wushu coach na paso na ang kontrata.
Dagdag pa ni Go, hindi ma-account ni POC secretary general Stephen Hontiveros ang $4-milyong FIQ money at si POC deputy secretary general Mark Joseph naman ay nahaharap sa malversation at iba pang kriminal na kaso para sa P30 milyong natanggap mula sa PSC. Pangilinan)
- Latest
- Trending