Kings itatagay ang 2 dikit na panalo vs Llamados

Manila, Philippines - Sa kanyang ikatlong la­ro, inaasahan ni coach Jong Uichico na nakapag-adjust na si import Donald Sloan sa kanyang mga kakampi.

Umiskor si Sloan, pu­ma­lit sa may injury na si Curtis Stinson, ng 32 points sa 98-90 paggupo ng Barangay Ginebra sa Rain or Shine noong nakaraang Miyerkules patungo sa se­mifinal round ng 2011 PBA Governors Cup.

“We have more time to work on things and Sloan has more time to get accustomed to his teammates,” sabi ni Uichico.

Hangad ang kani­lang ikalawang sunod na panalo, sasagupain ng Gin Kings ang B-Meg Llamados ngayong alas-7:45 ng gabi matapos ang salpukan ng Alaska Aces at Petron Blaze Boosters sa alas-5:30 ng hapon sa Araneta Coliseum.

Tangan ng Talk 'N Text ang 7-2 baraha kasunod ang Petron Blaze (5-3), Gin­ebra (5-3), Alaska (5-4), B-Meg (5-4) at Rain or Shine (4-5).

Ang top two teams ang siyang maglalaban sa best-of-seven championship series, habang ang koponang mananalo sa apat sa limang laro ang ma­kakakuha ng playoff para sa ikalawang finals berth.        

Nanggaling rin sa panalo ang Llamados matapos biguin ang Elasto Painters, 99-98, noong Biyernes.

“They play a lot like Rain or Shine,” pagkukum­para ni B-Meg mentor Jorge Gallent sa Ginebra na tumalo sa B-Meg, 89-85, noong Hulyo 10 sa eli­mination round. "They push the ball hard as they love to run.”

Sa unang laro, pilit na­­mang duduplikahin ng Boosters ang kanilang 82-81 overtime win sa Aces sa kanilang unang pagtatagpo noong Hulyo 3.

Hindi pa rin makakalaro si Cyrus Baguio para sa Alaska bunga ng kanyang MCL injury sa kaliwang tuhod na kanyang nakuha sa kanilang ensayo noong nakaraang Huwebes nang aksidenteng mabagsakan ni Mark Borboran.

Samantala, minultahan ng PBA Commissioner's Office si Aces' coach Tim Cone ng P20,000 dahil sa pagkompronta sa mga re­ferees matapos ang kanilang 85-103 kabiguan sa Tropang Texters noong Biyernes.

Show comments