Buenavista, De los Santos humataw sa Manila Bay Clean-Up Run
MANILA, Philippines - Pinatunayan nina Eduardo Buenavista at Mary Grace de los Santos na may karapatan silang bansagang “king and queen of the road” nang sila’y magwagi sa men’s at women’s division ng 21-kilometer race sa Manila Bay Clean-Up Run na ginanap kamakailan sa pamumuno ng Manila Broadcasting Company.
Iniwan ng two-time Olympian na si Vertek ang kanyang pinakamahigpit na kalaban na si James Talam ng Kenya sa simula pa lang ng karera hanggang sa finish line.
Sa kabilang dako, nagbalik naman sa dating porma ang takbo ni De los Santos sa long distance running matapos maghilom ng husto ang kanyang mga binti na nabundol ng isang motorsiklo sa isang nakaraang marathon upang angkinin ang panalo sa kababaihan.
Pumangalawa sa kanya si May Anne Barcena, at ikatlo naman si Fleris Toyhu na taga-Kenya rin.
Sa 10-kilometer race, sina Julius Sermona at Mercedita Fetalvero ang nagwagi, habang sina Mervin Duarte at Llewelyn Tumbaga naman ang nanguna sa 5-kilometer run. Sina John Ray Moreno at Mary Anne de la Cruz ang pinakamabilis sa halos 2,000 tumakbo sa 3-kilometer fun run. Ang PhilHealth, na nagpadala ng 200 runners, ang nagwagi bilang biggest delegation.
Ang Manila Bay Clean-Up Run na lumikom ng pondo para sa paglilinis ng ating coastal marine resources, ay sinuportahan ng Smart Communications, Pharex, Summit Mineral Water, Enervon Multi-vitamins, M. Lhuillier, Alaska, Cobra Energy Drink, at Business Mirror Publication Group.
- Latest
- Trending