^

PSN Palaro

So matatag pa rin sa liderato

-

MANILA, Philippines - Mula sa kanyang 10th round win kay International Master Yves Ranola, nakipag-draw naman si Grand Master Wesley So kay GM Mark Paragua para hawakan ang liderato, habang tinalo ni GM Eugene Torre si GM candidate Richard Bitoon sa isang endgame duel sa11th round ng National Championship sa NPC.

Matapos ang magkakasunod na draws, umiskor naman ng panalo si So kay Ranola bago nakipaghati ng puntos kay Paragua sa 32 moves ng isang Sicilain en­counter para sa kanyang 8.0 points.

Nasa ilalim ng 17-anyos na si So sina Torre (7.0) at GM-candidate Oliver Barbosa (7.0).

Iginupo naman ng 59-anyos na si Torre si Bitoon buhat sa 69 moves ng kanilang Queen's Pawn London System showdown.

Nakipag-draw naman si Barbosa kay GM Darwin Laylo sa 31 moves ng isang Queen's Gambit Accepted.

May 4.0 points si Bitoon kagaya nina Laylo at GM Joey Antonio, nakipag-draw kay IM Jan Emmanel Gar­cia sa 59 moves.

BITOON

DARWIN LAYLO

EUGENE TORRE

GAMBIT ACCEPTED

GRAND MASTER WESLEY SO

INTERNATIONAL MASTER YVES RANOLA

JAN EMMANEL GAR

MARK PARAGUA

NATIONAL CHAMPIONSHIP

OLIVER BARBOSA

PAWN LONDON SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with