^

PSN Palaro

4th win target ng SBC Red Lions kontra CSB Blazers

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Maipagpatuloy ang pag­dodomina sa liga ang hanap uli ng nagdedepen­sang San Beda College sa 87th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Matapos ilampaso ng 25 puntos average ang tatlong naunang kinalaban, paborito muli ang Red Lions na makuha ang ikaapat na sunod na panalo sa pagharap sa College of St. Benilde sa tampok na laro sa alas-4 ng hapon matapos saksihan ang bakbakan sa pagitan ng Jose Rizal University at Mapua Cardinals sa alas-2.

“My guest is that the Bla­zers will zone us. I will try to give them different looks for this game,” wika ni Lions coach Frankie Lim na kung mananalo ay sasaluhan uli ang pahingang San Sebastian sa liderato sa 10 koponang liga.

Hindi naman puwede biruin ang Blazers na nakuha ang mahalagang unang panalo nang malusutan ang Cardinal, 70-67, sa hu­ling laro.

“The players were determined to end our slump. This is a good morale booster for us as we face San Beda. We’re not that talented but if we will play with our hearts out, it may make the difference,” pahayag naman ni Blazers coach Richard Del Rosario.

Hanap naman ng Hea­vy Bombers na madug­tungan ang 76-60 tagum­pay sa Emilio Aguinaldo College na tumapos rin sa dalawang dikit na kabi­guan.

Sa kanilang depensa uli aasa si coach Vergel Mene­ses para mapaganda pa ang puwesto ng Bom­bers sa team standings.

Ang depensa nga ng koponan ay nakitaan ng pag­hirit ng 30 errors sa Ge­nerals na nagresulta na­man sa 32 turnover points.

Pihadong pupukpok ang Cardinals matapos ang tatlong laro ay hindi pa rin nakakatikim ng panalo para masira ang taguring dark horse sa liga.

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FRANKIE LIM

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MAPUA CARDINALS

RED LIONS

RICHARD DEL ROSARIO

SAN BEDA

SAN BEDA COLLEGE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with