MANILA, Philippines - Ang dating sparring partner ni Juan Manuel Marquez nang labanan si Manny Pacquiao noong 2004 at 2008 ang siyang muling kinuha ni veteran boxing trainer Ignacio ‘Nacho’ Beristain.
Si Panamanian featherweight Antonio Fernandez ang ibabalik ni Beristain para maging sparring partner ni Marquez sa paghahanda sa kanilang ‘trilogy’ ni Pacquiao sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada..
“We are going to try and bring over Fernandez,” sabi kahapon ni Beristain sa panayam ng Examiner.com. “I hope he is in good condition, because he likes to drink at times.”
Si Fernandez, tinaguriang ‘El Gordo’ (The Big One), ay may professional record na 14 wins at 2 losses.
“The truth is he helped us a lot in preparing for the previous two fights with Manny Pacquiao,” sabi ni Beristain kay Fernandez na sparmate ni Marquez sa paghahanda kay Pacquiao noong 2004 at 2008.
Samantala, natanggap na ni Bob Arum ng Top Rank Promotions ang bid ng Showtime para sa pagsasaere ng pangatlong laban nina Pacquiao at Marquez.
“We received Showtime’s offer today. We will review it and analyze it and make a decision probably within the next week,” ani Arum sa bid ng Showtime matapos maunang magbigay ang karibal nitong HBO Sports.
Itataya ni Pacquiao, may 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 knockouts, ang kanyang suot na WBO welterweight crown laban kay Marquez (38-7-0, 27 KOs).
Kinuha naman ni Pacquiao ang VisionQwest Resource Group, Inc. at VisionQwest Accountancy Group mula sa Los Angeles para pamahalaan ang kanyang accounting, personal at business tax.