Gadi, Carlos pakay ang 3 dikit sa PBaRS

MANILA, Philippines - Puntirya nina Antonino Gadi at Bianca Carlos ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa MVP Sports Foundation-Bingo Bonanza Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament na idaraos ang third leg sa Hulyo 30-Agosto 30 sa Wheels and More badminton courts sa Davao City.

Winalis ni Gadi ang men’s Open singles titles sa unang dalawang legs ng nationwide circuit matapos talunin sina Patrick Natividad sa kickoff leg sa Manila at Paul Vivas sa Bacolod stop.

Hangad rin ni Carlos ang kanyang patuloy na dominasyon sa girls’ 19-Under singles ng event na inorganisa nina Vice President at Philippine Badminton Association president Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pangi­linan.

 Samantala, naka­takda naman ang national draw sa Hulyo 26 sa ganap na alas-3 ng hapon sa Valle Verde Country Club sa Pasig City, samantalang ang managers’ meeting ay sa Hulyo 29 sa Davao.

Para sa mga detalye, bumisita sa http://www.pbars.com.

Show comments