Alaska tinulungan ni Tenorio sa 2 dikit na panalo
MANILA, Philippines - Walang dudang si LA Tenorio ang tumatayong lider ng Alaska.
Ito ay ipinakita ng dating Ateneo Blue Eagle nang tulungan ang Aces sa dalawang sunod na arangkada patungo sa kanilang pagpasok sa six-team semifinal round ng kasalukuyang 2011 PBA Governors Cup.
“No doubt, LA is our leader on the floor,” sabi ni coach Tim Cone sa kanyang playmaker na tinanghal na Accel-PBA Press Corps’ Player of the Week.
Nagposte ang 5-foot-7 na si Tenorio ng mga averages na 18.5 points, 6.0 rebounds at 3.0 assists sa tagumpay ng Alaska sa Rain or Shine at Barangay Ginebra na mas maganda sa nauna niyang mga itinalang 11 points at 4.3 rebounds per game sa una nilang anim na laro.
Sinabi ng 27-anyos na si Tenorio na malaki ang naitulong sa Aces ng mga bagong hugot na sina Jay-R Reyes, Wesley Gonzales, Hans Thiele at Aris Dimaunahan.
“I think our team is starting to understand the system. In the first few games inconsistent kami kasi nangangapa pa kami sa isa’t-isa,” sabi ni Tenorio.
Maski ang kanyang right elbow injury bago ang torneo ay nakatulong rin sa kanya.
Sa 88-83 tagumpay ng Aces sa Elasto Painters noong Miyerkules, nagtala si Tenorio ng 22 points at 8 rebounds.
Sa 83-79 paggiba naman ng Alaska sa Ginebra noong Sabado, nag-ambag si Tenorio ng 15 markers sa ilalim ng 24 points at 20 rebounds ni import Jason Forte.
“He won’t be intimidated by anybody or any situation and that attitude rubs off on his teammates, which, in turn, makes us strong mentally. His presence gives us a chance to be an elite team in the PBA,” ani Cone.
- Latest
- Trending