Marquez umiskor ng ko kay Ramos

MANILA, Philippines - Halos isang minuto lamang ang itinagal ni Likar Ramos ng Colombia bago siya pinabagsak ni Mexican world lightweight champion Juan Manuel Marquez sa kanilang non-title, 10-round bout kahapon sa Plaza de Toros sa Cancún, México.

Sinabi ni Marquez na ito rin ang kanyang ipapakita sa kanilang ikatlong paghaharap nila ni Filipino world eight-division titlist Manny Pacquiao sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“I will prepare well for Pacquiao and I want him to do that also. We can give the fans a war,” sabi ni Marquez sa kanilang ‘trilogy’ ng 32-anyos na si Pacquiao. “(Floyd) Mayweather is so defensive a fighter...but with Pacquiao, it’s going to be a war.”

Ipagtatanggol ni Pac­quiao, may 53-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, ang kanyang World Boxing Organization (WBO) welterweight belt kontra kay Marquez (53-5-1, 39 KOs) sa Nobyembre 12.

Si Marquez, dalawang beses hinarap si Pacquiao, ang kasalukuyang WBO at World Boxing Association (WBA) lightweight king.

Natapos ang kanilang laban ni Ramos (24-4-0, 18 KOs) sa 1:47 ng ope­ning bell.

“ I wanted this fight to prepare for Pacquiao, I was hoping it would have lasted longer but sometimes that’s how it goes.” ani Marquez.

“I just wanted to tell him to prepare himself and I want to give the fans a great fight,” babala pa ng Me­xican sa Sarangani Congressman.

Sa kabila ng tatlong beses na pagbagsak sa first round, isang draw ang nailusot ni Marquez sa kanilang unang paghaharap ni Pacquiao noong Mayo ng 2004.

Isang split decision naman ang kinuha ni ‘Pacman’ para agawin kay Marquez ang hawak niyang WBC super feather­weight belt sa kanilang rematch noong Hunyo ng 2008 sa Las Vegas.

Show comments