Viloria Hari Na Naman
MANILA, Philippines - Tumalon at sumuntok sa hangin.
Ito ang ginawa ni Brian 'The Hawaiian Punch' Viloria matapos ihayag ang kanyang pangalan bilang bagong World Boxing Organization (WBO) flyweight king mula sa isang unanimous decision win kay Julio Cesar Miranda kahapon sa Blaisdell Center sa Honolulu, Hawaii.
Nakuha ni Viloria ang kanyang ikatlong world boxing belt matapos makopo ang World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) light flyweight crowns.
Ang WBC at IBF ay naagaw kay Viloria nina Edgar Sosa ng Mexico at Carlos Tamara ng Colombia noong 2007 at 2010, ayon sa pagkakasunod.
“This is something I’ve been wanting since last year when I lost the world title. I wanted to get back on the horse again and I did that tonight,” sabi ni Viloria.
Binigyan si Viloria ni judges Robert Hoyle ng 98-91 katulad ng mga pagpabor sa kanya nina Ruben Garcia (96-93) at Tamotsu Tomihara (97-93).
May 29-3-0 win-loss-draw ring record ngayon si Vilroia kasama ang 16 KOs kumpara sa 35-6-1 (28 KOs) card ni Miranda, inagaw kay Filipino Richie Mepranum ang nasabing WBO flyweight title noong Hunyo ng 2010.
Sa pagtunog pa lamang ang first round ay naging agresibo na si Viloria na nagresulta sa pag-upo ni Miranda sanhi ng isang body shot ng Fil-American fighter.
"I started off quick and I think Miranda got caught by surprise. But like a champion he came back," ani Viloria. "I give him a lot of credit. He fought his heart out and I also fought my heart out because I really wanted this."
Napaputok ni Miranda ang kanang mata ni Viloria sa eight round na hindi naman pinansin ng bagong kampeon.
Ang ikalawang pagbagsak ni Miranda ay nangyari sa seventh round nang makakonekta si Viloria ng isang right hand.
Ito ang unang pag-akyat sa boxing ring ni Viloria matapos patulugin si Liempetch Sor Veerapol ng Thailand sa seventh round noong Nobyembre ng 2010.
- Latest
- Trending