^

PSN Palaro

Viloria pipiliting matalo si Ramos

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Aminado si dating world light flyweight champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria na hindi na siya buma­bata at kailangan na niyang muling magkampeon.

Puntirya ang kanyang pangatlong world boxing title, hahamunin ng 31-anyos na si Viloria si Julio Cesar Miranda para sa suot nitong World Bo­xing Organization (WBO) flyweight crown ngayon sa Blaisdell Center sa Honolulu, Hawaii.

“I’m not as young as I was ten years ago,” sabi ni Viloria. “But I guess my days are numbered; I just feel like every fight is going to be that much more special, that much more important for me. I can’t lay off from fight to fight; I have to really keep it at my top peak as much as possible.”

Naagaw kay Viloria ang kanyang dating hawak na World Boxing Council (WBC) light flyweight belt matapos ang isang unanimous decision loss kay Omar Niño noong 2006 at nahubaran ng hawak na International Boxing Fe­deration (IBF) light flyweight title kay Carlos Tamara noong 2010.

Matapos ang naturang pagkatalo kay Tamara, dalawang sunod na panalo ang inirehistro ni Viloria hanggang makakuha ng title shot laban kay Miranda.

Tangan ni Viloria ang 28-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 16 KOs, samantalang bitbit ng 31-anyos na si Miranda ang 35-5-1 (28 KOs) card. (

BLAISDELL CENTER

BUT I

CARLOS TAMARA

HAWAIIAN PUNCH

INTERNATIONAL BOXING FE

JULIO CESAR MIRANDA

MIRANDA

OMAR NI

VILORIA

WORLD BO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with