MANILA, Philippines - Para kay challenger Brian Viloria, ang pagkatalo kay WBO flyweight champion Julio Cesar Miranda ng Mexico ay mangangahulugan ng pagwawakas ng kanyang boxing career.
Ito ang opinyon ng kanyang chief second at cutman Ruben Gomez sa kinakaharap na sitwasyon ngayon ng tinaguriang ‘Hawaiian Punch’ na lalaban kay Miranda sa isang 12-round bout sa Blaisdell Center sa Honolulu sa Linggo.
“It’s a must-win fight for Brian,” wika ni Gomez sa isang phone interview mula Honolulu kahapon.
Ang panalo naman ni Viloria ang magbabangon sa kanyang tumamlay na kampanya.
Si Gomez ang nasa corner ni Viloria sapul nang maging pro boxer ang huli noong 2001. Bilang isang cutman, nakasama na siya sa mga laban ni Manny Pacquiao, tampok rito ang knockout win kay Lehlo Ledwaba para sa IBF superbantamweight crown.
Para sa Miranda bout, makakatuwang ni Gomez sa corner ni Viloria sina trainer Mario Morales at WBA female superfeatherweight title holder Kina (Dinamita) Malpartida ng Peru.
Ang paglaban ni Viloria sa Honolulu ay may maganda at masamang bagay, ayon kay Gomex.
Sinabi pa 0ni Gomez na handang-handa na si Viloria laban kay Miranda.