^

PSN Palaro

Suporta kapos pa rin sa Big League team

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Makailang ulit mang nakapagbigay ng karangalan sa bansa ay patuloy pa rin ang kawalan ng mahalagang suporta na nakukuha ng Team Manila na lalaro uli sa Big League World Series.

Aalis ang koponan sa katapusan ng buwan para lumahok sa World Series mula Agosto 2 hanggang 10 sa Kalamazoo, Michigan at pakay ng koponang hahawakan ni coach Ana Santiago na mahigitan ang second place na pagtatapos sa huling edisyon.

Natalo ang koponan sa Grand Rapids, Michigan sa finals pero matibay ang laban ngayon dahil karamihan sa manlalaro na kabilang sa 2010 ay ba­balik para pangunahan ang laban ngayon.

Pero ang pangangaila­ngan ng koponan na na­nalo sa Guam, 3-0, sa Asia Pacific championship na ginawa sa Bacolod, ay tinutugunan sa pamamagitan ng ambagan ng mga magulang ng kasamang players at ng Manila Little League Chapter na pina­ngungunahan ni Rafael Borromeo.

Kulang man ang suporta ay tiyak na bibigyan ng magandang laban ng Team Manila ang siyam na makakatunggali.

Bukod kay Ma. Isabel na nasa ikalawang World Series at ang una ay nangyari noon pang 2006 sa Little League division, ang iba pang kasapi ay sina Veronica Belloza, Annalie Benjamen, Michelle Lentija, Glesyl Opjer, Chariz Palma, Carol Banay, Gene Joy Parilla, Rizza Bernardino, Franchescda Altomante, Chichiro Bamba at Laura Victoria Lehmann.

ANA SANTIAGO

ANNALIE BENJAMEN

ASIA PACIFIC

BIG LEAGUE WORLD SERIES

CAROL BANAY

CHARIZ PALMA

CHICHIRO BAMBA

FRANCHESCDA ALTOMANTE

TEAM MANILA

WORLD SERIES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with