Orcollo, Mazon nagparamdam agad

MANILA, Philippines - Dinomina ni World no. 1 Dennis Orcollo si Indonesian bet Sumaryadi, 6- 0, para simulan ang kanyang kampan­ya sa 2011 Guinness World Series of Pool 10-Ball Challenge championship sa Mall Taman Anggrek, Jakarta.

Tagumpay rin ang tinumbok ni defending champion Jundel Mazon matapos igupo si Indonesian rival Roy Apanco 6-4. 

Hindi na pinaporma ni Orcollo si Sumaryadi lalo na sa tuwing magkakamali ng tumbok ang Indonesian.

Sa 5th rack, tuluyan nang bumigay si Sumaryadi mula sa magandang laro ni Orcollo.

Sa kabilang banda, humabol naman si Mazon mula sa 1-3 pagkakaiwan sa kanya ni Apanco.

Ang dry break ni Apanco sa 7th frame kung saan niya hawak ang 4-2 abante ang nagresulta sa apat na sunod na arangkada ni Mazon upang kumpletuhin ang kanyang 'come from behind victory'. 

“Of course I want to win the championship again. But as you can see from the match today, it takes a combination of skill and luck in order to keep winning," sabi ni Mazon. “Hopefully, I can sustain this momentum and at the same time get the lucky breaks I need whenever I’m in a tough spot.”

Kumpara sa mga panalo nina Orcollo at Mazon, nahulog naman sa loser’s bracket si Jeffrey ‘The Bull’ De Luna laban sa kanyang kababayang si Carlo Biado.

“It’s unfortunate that we ended up going against each other. I’d hate to see him lose but at the same time, I don’t want to go home either,” ani De Luna sa kanilang paghaharap ni Biado. “These are just breaks of the game and whatever happens, we do this for the honor of our country.”

Show comments