Third leg ng PBaRS dadalhin sa Davao

MANILA, Philippines - Ang Davao ang mamamahala sa third leg ng MVP Sports Foundation-Bingo Bonanza Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) tournament sa Hulyo 30 hanggang Agos­to 3 sa Wheels and More badminton courts.

Ang mga nanalo sa unang dalawang legs ay makakatapat ang mga local talents sa nasabing five-day tournament.

Ang deadline para sa pagpaparehistro ay sa Hul­yo 16 sa PBaRS office (20. E. Maclang St. San Juan). Maaari ring bumisita sa http://www.pbars.com.

Ang serye ng nationwide tournaments ng PBaRS ay proyekto nina Vice President at Philippine Badminton Association president Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pangilinan.

Ang mga events ay ang Open, Under-19 at Under-15 divisions.

Show comments