JRU, CSB umiskor sa 87th NCAA
MANILA, Philippines - Sumandal ang Jose Rizal University at College of St. Benilde sa kanilang matibay na depensa upang makapasok sa win column matapos magtala ng magkahiwalay na panalo sa 87th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Sina Byron Villarias, John Lopez at Ronnel Carampil ay nagsanib sa 33 puntos ngunit ang depensa ng Heavy Bombers ay nagresulta sa season-high 32 errors ng Emilio Aguinaldo College tungo sa kanilang 76-60 tagumpay.
“Binalasa ko ang mga players at maganda rin ang depensa namin dahil nagtrabaho silang lahat,” wika ni Meneses.
Hindi naman pinapuntos ng Blazers ang Mapua sa huling 2:45 ng laro para maitakas ang mahigpit na 70-67 panalo sa ikalawang laro.
Sina Paolo Romero, Jan Tan at Carlo Lastimosa ay nagtulung-tulong sa krusyal na 7-0 bomba upang ang 62-63 iskor ay maagaw sa 69-63.
Pero sa 67-69 lamang nadikit ang Cardinals dahil apat na mahalagang opensa sa huling isang minuto ang naisablay nila mula sa sablay na tres nina Jonathan Banal at Jason Pascual.
May 15 puntos si Tan, habang si Romero at Lastimosa ay naghatid ng 22 puntos para sa Blazers, habang nagtala ng 12 marka si Ighalo para sa 0-2 baraha ng Cardinals.
JRU 76 – Villarias 12, Lopez 11, Carampil 10, Apinan 9, Montemayor 9, Dela Paz 8, Kabigting 8, Almario 7, Mendoza 2, Monserat 0.
EAC 60 – Torralba 17, Jamon 15, Cubo 7, Paguia 6, Vargas 6, Diolanto 6, King 3, Morada 0, Sanchez 0, Yaya 0, Chiong 0.
Quarterscores: 16-11, 37-21, 56-42, 76-60
CSB 70 – Tan 15, Romero 11, Lastimosa 11, Grey 10, Altamirano 8, Dela Paz 5, McCoy 4, Taha 3, Sinco 3, Pate 0.
MIT 67 – Ighalo 12, Sarangay 10, Mangahas 10, Nimes 9, Banal 9, Cantos 6, Ranises 6, Pascual 4, Stevens 1, Parala 0
Quarterscores: 15-15, 33-30, 56-57, 70-67.
(ATAN)
- Latest
- Trending