^

PSN Palaro

U23 team na isasabak sa SEAG, palalakasin ng PFF

- Olmin Leyba -

MANILA, Philippines - Palalakasin ng Philippine Football Federation (PFF) ang kanilang under 23 team na ilalahok sa 2011 Southeast Asian Games sa Indonesia.

Wala nang problema sa hosting ng football sa Indonesia matapos ang kawalan ng suspension sa nasabing bansa ng FIFA nang makapagdaos ng maayos na eleksyon ang Indonesia football federation.

Ayon sa pangulo ng PFF na si Mariano Araneta, may inilaan ng pondo ang NSA para sa paghahanda at pagsasanay ng U23 team sa SEA Games.

Plano nga ng PFF na magsagawa ng mga trai­ning camps sa alinman sa Middle East o Japan para sa pool na bumibilang ng 40 katao at binubuo ng mga homegrown at Fil-Foreign players na edad 23 pababa.

Ang mga Azkals na si­na Simon Greatwich at Jason de Jong ang maaari pang masama para sa SEA Ga­mes team upang matiyak na may mabubuong malakas na koponan ang Pilipinas para sa SEA Games.

Si Azkals coach Michael Weiss ng Germany at team manager Dan Palami ang mamamahala rin sa SEA Games team na kung saan ang Pilipinas ay maghahangad ng kauna-unahang medalya sa larong football.

Mataas ang pag-asa sa mabubuong koponan dahil sa mala­king tagumpay na tinamo ng Azkals nang kanilang talunin ang Sri Lanka sa 1st round ng 2014 World Cup Asian Qualifier kamakailan.

AZKALS

DAN PALAMI

MARIANO ARANETA

MICHAEL WEISS

MIDDLE EAST

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

PILIPINAS

SI AZKALS

SIMON GREATWICH

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with