Pinoy riders bida sa Palawan leg
MANILA, Philippines - Sinamantala ni Glenn Aguilar ang engine trouble na nangyari sa dating lider na si Bornok Mangosong para kunin ang isang come-from-behind win sa seventh leg ng JYL-Enersel National Invitational Motocross Series sa Brooke’s Point, Palawan noong Linggo.
Kaagad nanguna si Mangosong sa second heat bago pumalya ang kanyang makina sa huling dalawang laps sa event na nagmarka sa 62nd founding anniversary ng Brooke’s Point at ng 6th Pista ng Kaniyog’n ng Palawan .
Nakadikit si Aguilar kay Mangosong para sa kanilang down-the-wire duel bago nakalayo ang one-time Asian Motocross champion patungo sa pag-angkin sa Pro Open Division sa kanyang 50 points.
Pumangalawa si Kimboy Pineda sa kanyang 40 points kasunod si Ambo Yapparcon (38) sa nasabing two-day motocross showcase sponsored ng Enersel-Forte vitamin syrup, Therasil lozenges, Bridgestone tires at Team Pacquiao.
Pumang apat si Mangosong, gumawa ng isang 60-foot jump sa last lap para maabutan si Aguilar sa second heat, sa kanyang 36 points.
Tinalo naman ni Sel-J sports president Jay Lacnit si Buboy Enriquez, ang trainer ni boxing icon Manny Pacquiao, sa Executive C Division via 43-42 victory.
Ang Golden Wheel awardee na si Donark Yuzon ay ika-6th place.
Ang iba pang top three winners ng karera ay sina Jeffrey Rellosa, John Manuel Jaranilla at Jodel Bonto (Beginner Open Prod); Atong Mangosong, JB Bacabac at Arniel Lacnit (Novice Open Prod.); Atong Mangosong, Dexter Bacabac at JB Bacabac (Intermediate); Pia Gabriel, Marriane Yapparcon at Mia Villalon (Ladies); Nino Acosta, Leonilo Lunaspe at Arnold Edmilao (Underbone); BJ Pepito, Ompong Gabriel at Mia Villalon (50CC); BJ Pepito, Ompong Gabriel at Marriane Yapparcon (65 CC); Ompong Gabriel, Mc Lean Aguilar at Pia Gabriel (85 CC); Allen Mercado, Forteviliar Ebit at Maty Masculino (Pantra); Gabriel Alba, John Manuel Jaranilla at Michael Jay Pascual (Pit Bike); Arnold Patindol, Michael Jay Pascual at Arvin Borlagatan (Local Open Enduro); Dexter Bacabac, Hermis Bantoc at Buboy Fernandez (Executive A); at Hermis Bantoc, Arvin Santos at Buboy Fernandez (Executive B).
- Latest
- Trending