^

PSN Palaro

Phl booters sasabak sa mga tune-up games sa Bahrain

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Tutulak ang Azkals patu­ngong Bahrain para sa ka­nilang paghahanda sa laro laban sa Kuwait sa Hulyo 23.

Sa Biyernes ang lipad ng koponan patungong Bahrain at dito ay magsasagawa sila ng mga tune-up games laban sa Olympic team ng nasabing bansa.

Kailangang mabigat ang makakasanayan ng Pilipinas dahil mas mataas ang kalidad ng Kuwait kumpara sa Sri Lanka na tinalo ng Azkals sa first round ng 2014 World Cup Asian Qualifier.

Gagamitin din ng koponang hawak ni German coach Michael Weiss ang biyahe para masanayan ng manlalaro ang klima sa nasabing rehiyon.

Mula sa Bahrain ay lilipad na diretso ang koponan patungong Kuwait para sa unang leg.

Ang ikalawang leg ay itinakda sa Hulyo 29 sa Rizal Memorial Football Field na dinumog ng tao nang isagawa ang home game laban sa Sri Lanka.

Samantala, kukumpunihin ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang ilaw sa football field dahil ang laro ng Azkals at Kuwait ay sa gabi.

Pupuntiryahin ng PSC na bigyan ng liwanag ang mga lugar na lalakaran ng mga manonood dahil naniniwala siyang mas ma-rami ang taong sasaksi sa napipintong labanan sa Hulyo 29.

Maliban sa ilaw ay haha-nap ng paraan na mapalakihan ang mga labasan at pasukan dahil nagsikip ito nang halos 13,000 tao ang nanood sa Azkals-Sri Lanka game.

“Walang problema sa pasukan dahil hindi naman sabay-sabay. Nagkaroon lamang ng pagsisikip sa pag-uwi dahil lahat gusto nang makapagpahinga. Kailangan magawan ito ng paraan na mapaluwag ang mga labasan at pasukan upang maging handa sakali mang may mangyaring mga emergency,” wika ni Garcia.

Ito ang unang pagkaka­taon sa maraming taon na nakapagdaos ng football game sa nasabing venue.

AZKALS

AZKALS-SRI LANKA

BAHRAIN

HULYO

MICHAEL WEISS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL FIELD

SA BIYERNES

SRI LANKA

WORLD CUP ASIAN QUALIFIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with