^

PSN Palaro

Bale Wala Ang Handicap

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Kahit na wala silang import, nagawa ng Barangay Ginebra at Petron Blaze na magposte ng panalo kontra magkahiwalay na kalaban upang manatiling nasa upper half ng stagings sa PBA Governors Cup.

Noong Biyernes ay naungusan ng Gin Kings ang nangungulelat na Air 21 Express, 89-87 kahit na hindi nila nakasama ang import na si Curtis Stinson na mayroong bruised right knee. Bukod nga kay Stinson ay hindi din naglaro ang two-time Most Valuable Player na si Willie Miller na mayroong back spasms.

Puwedeng sabihin ng karamihan na magaan na­mang kalaban ang Express. Iyon na ang ikaanim nilang kabiguan at dahil doon ay laglag na sila’t hindi makakausad sa susunod na yugto.

Pero siyempre, gumawa ng mga adjustments si coach Joseph Uichico upang punan ang pagkawala ng mga key players niya. E, hindi na nga nila kasama sina Enrico Villanueva at Eric Menk, nalagasan pa sila ng dalawa. Nakakabilib na din ang Gin Kings. At problema ng Air21 na hindi nito sinamantala ang manpower crisis ng kanilang kalaban.

Noon namang Sabado ay sinundan ng Petron Blaze ang yapak ng Barangay Ginebra nang pataubin ng Boosters ang Grand Slam-seeking Talk N Text, 101-96. Iyon ang ikalawang kabiguang nalasap ng Tro­pang Texters na natalo din sa B-Meg, 111-105 sa Dubai dalawang Huwebes na ang nakalilipas.

Hindi nakapaglaro para sa Petron Blaze ang import na si Jeremy Wise pero pinunan naman nina Arwind Santos at Alex Cabagnot ito sa pamamagitan ng pagsu­mite ng double-double.

At bukod kay Wise ay patuloy na nami-miss ng Petron Blaze sina Jay Washington (out for the rest of the season), Nonoy Baclao at Dennis Miranda.

 So maituturing na mas matindi ang naging panalo ng Boosters. Bukod sa powerhouse ang kanilang na igupo ay madami pa silang kulang sa line-up.

Dahil sa panalong iyon ay nakuha ng Boosters ang first place sa record na 6-2 at bumagsak ang Tropang Texters sa 4-2 katabla ng Rain or Shine Elasto Pain­ters.

 Kung titingnang maigi, para sa apat na teams na may maliliit na imports (6-2), ay tila hindi naman ganoong kahalaga ang import. Kasi nga, kaya namang gawin ng locals ang gagawin ng maliliit na import na ang laro ay point guard o off guard.

Kapag off guard o shooting guard ang import, puwede pa nga itong ma-mismatch dahil maraming mas matatangkad na shooting guards sa PBA. Kung point guard naman, aba’y bawat teams ay may matitinding point guard na halos kasing galing lang ng import.

So, nakaganda pa nga sa Barangay Ginebra na hindi naglaro sina Stinson at Miller dahil sa napahaba ang playing time ng mga guwardiya ni coach Jong Uichi. E, guard-heavy nga ang Gin Kings, hindi ba? E, bumalik pa si Jayjay Helterbrand kung kaya’t napunan nang maayos ang pagkawala ni Stinson.

Sa panig ng Boosters, aba’y kayang-kaya naman talaga ni Cabagnot na punan ang kawalan. At kabisado din naman ni Cabagnot ang kanyang mga kalabang sina Jimmy Alapag, Ryan Reyes at Jason Castro.

 Pero kahit na nga maliliit ang imports ng Talk N Text, Petron at Ginebra, nandoon sila sa itaas ng standings. Parang bale-wala ang handicap nila. Kasi, kaya nila ang mga koponang may mas matatangkad na imports.

Sa local line-up din nagkakatalo, e.

ALEX CABAGNOT

ARWIND SANTOS

BARANGAY GINEBRA

BUKOD

CABAGNOT

GIN KINGS

PETRON BLAZE

STINSON

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with