^

PSN Palaro

Gold kina Gabuco, Petecio

-

JAKARTA, Indonesia-- Da­lawang gold, dalawang silver at dalawang bronze medals ang sinikwat ng PLDT-ABAP national team mula sa paglahok sa 21st President’s Cup.

Magiting na nakipagsabayan ang naturang nine-man team laban sa halos 200 boxers na nanggaling sa 28 bansa.

Ang unang ginto ay sinuntok ni Josie Gabuco matapos gitlain si Gui Jing Shan ng China sa women’s 48 kilogram division.

Bumangon si Gabuco mula sa pagkakaiwan sa unang tatlong rounds bago agawin ang 14-11 tagumpay.

Kinuha naman ni Nesthy Petecio ang ikalawang gintong medalya ng bansa nang igupo si Vietnamese bet Le Thi Bang, 19-12, sa 51 kg class.

Nagkasya naman sa silver medal si Ian Clark Bautista nang yumukod kay Naoya Inouye ng Japan, 10-27, sa 49 kg category.

Ito rin ang nakamit ni Charly Suarez matapos mabigo kay Cen Yu ng China, 17-19, sa men’s 60 kg department.

Bukod sa mga gold me­dals nina Gabuco at Petecio at mga silver finish nina Suarez at Bautista, nagbigay naman ng bronze medal sina Analisa Cruz (51 kg) at Nathaniel Montealto (64 kg).

ANALISA CRUZ

CEN YU

CHARLY SUAREZ

GABUCO

GUI JING SHAN

IAN CLARK BAUTISTA

JOSIE GABUCO

LE THI BANG

NAOYA INOUYE

NATHANIEL MONTEALTO

NESTHY PETECIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with