^

PSN Palaro

Jopson handa na sa pagbawi ng titulo

- NI Vernie Fuentes-trainee -

MANILA, Philippines - Handang-handa na ang triathlete na si Noy Jopson sa paglahok sa Cobra Ener­gy Drink Ironman 70.3 Philippines sa Agosto 14 sa Camsur Watersports Comples sa Camarines Sur.

Si Jopson ang kam­peon sa elite sa hanay ng mga Filipino triathletes noong 2009 at nais niyang mabawi ang titulong naisuko noong nakaraang edisyon kay Neil Catiil.

“Umabot na sa 18 hang­gang 20 hours ang gi­nugul ko sa pagsasanay sa loob ng isang linggo,” ani Jopson.

Makasaysayan ang edis­yong ito dahil ang ma­ngu­ngunang 30 triathletes ay ipadadala sa Ironman World Championship sa Kona, Hawaii sa Oktubre.

Si Jopson at si Catiil ay ilan sa mga napapaboran na masama sa World event at ginawa sila bilang brand ambassador ng Cobra Energy Drink.

“This is a rare opportu­nity for us to compete in the world championships and we’re helping these guys achieve the feat,” wika ni Cobra brand manager Jay Mendoza na nakasama sina VP for marketing Hu­bert Tan at marketing manager Abe Cipriano sa paglulunsad ng torneo.

Tinatayang papalo sa 1,100 triathletes mula sa 28 bansa ang sasali ka­sa­ma rito ang nagdedepensa sa kalalakihan na si Pete Jacobs ng Australia at women’s champion na si Magali Tisseyre ng Canada.

Ang iba pang bigating triathletes na dapat tutukan sa hanay ng mga dayuhan ay sina Cameron Brown, Justin Granger, Luke Gillmer, Belinda Granger, Luke Mc­kenzie, Amanda Stevens at national triathlon team foreign coach Dan Brown.

Si Brown ang posibleng maging karibal ni Tisseyre dahil napanalunan nito ang 70.3 race sa Korea nito lamang Hulyo 3.   

vuukle comment

ABE CIPRIANO

AMANDA STEVENS

BELINDA GRANGER

CAMARINES SUR

CAMERON BROWN

CAMSUR WATERSPORTS COMPLES

COBRA ENER

DAN BROWN

SHY

SI JOPSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with