^

PSN Palaro

Stags, Knights kumapit sa liderato

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Naghatid ng 15 puntos, 11 rebounds at 6 assists si Calvin Abueva upang pa­ngunahan ang mainit na paglalaro ng mga bench players at kunin ng San Sebastian ang 86-78 panalo sa College of St. Benilde sa 87th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagbalik matapos silbihan ang one game suspension, ang 6’4 Abueva ay nanalasa nang husto sa ikalawang yugto nang maghatid ng 9 puntos para ilayo ang Stags sa 49-35 pagsapit ng halftime.

Ang mga pamalit ding sina Krushev Ferrer at Lyle Antipuesto ay nagtambal sa 5 of 7 shooting sa 3-point line at nagsanib sa 19 puntos para hawakan ng Baste ang 50-27 bentahe sa bench points.

Nagbalik na rin si Carlo Lastimosa para sa Blazers at tumapos taglay ang 20 puntos pero blanko siya ng depensahan ng bataan ni rookie coach Topex Robinson sa 3rd period para sa 2-0 karta ng Stags.

 Ginawa naman ng Letran na tatlo ang koponang nasa unahan nang kunin ang 74-43 paglampaso sa host University of Perpetual Help System Dalta sa tampok na laro.

 Naghatid ng 16 sa kabuuang 18 puntos sa first half si Jay Espiritu habang nalimitahan naman ng depensa ng Knights sa pinakamababang output ng liga ang Altas tungo sa 2-0 baraha.

 10 puntos para lasapin ng koponan ang ikatlong sunod na kabiguan.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

CARLO LASTIMOSA

COLLEGE OF ST. BENILDE

JAY ESPIRITU

KRUSHEV FERRER

LYLE ANTIPUESTO

NAGBALIK

NAGHATID

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with