^

PSN Palaro

Usapin sa liderato sa bilyar tapos na

- Ni ATan -

Manila, Philippines - Tinapos na ng Asian Pool Billiard Union (APBU) ang problema sa liderato sa Billiards Snooker Congress of the Philippines (BSCP) nang kanilang kilalanin ang grupo ni Arturo “Bong” Ila­gan bilang lehitimong pangulo.

Naunang nakipagtagi­san si Ilagan kay Sebastian Chua na pinuno ng isang paksyon ng BSCP pero na­wala si Chua sa talaan ng APBU dahil sa patuloy na pagkilala sa katunggali ng Philippine Olympic Committee (POC).

Sa liham ng APBU na nagbibigay ng pagkilala sa kampo ni Ilagan, malinaw na nakasaad dito na isa sa batas ng APBU para sa grupong nais kilalanin ng international body ay ang rekognisyon mula sa kanilang National Olympic Committee.

Bago ito, ay nagtungo muna si BSCP chairman Aristeo Puyat at secretary general Robert Mananquil sa APBU General Assembly nitong Marso sa Taoyan, Taiwan at kanilang ipinakita ang basbas ng POC.

“We presented the POC letter of recognition and APBU accepted it,” wika ni Mananquil sa isang panayam.

Maliban sa APBU, kinilala na rin ang liderato ni Ilagan ng Asian Confede­ration of Billiard Sports (ACBS) na siyang IF sa la­rong carom, at ng World Pool Association (WPA).

Bunga ng bagong desis­yon ng APBU, si Ilagan na ang mangangasiwa sa pagpapadala ng Pambansang koponan sa mga international tournaments.

APBU

ARISTEO PUYAT

ASIAN CONFEDE

ASIAN POOL BILLIARD UNION

BILLIARD SPORTS

BILLIARDS SNOOKER CONGRESS OF THE PHILIPPINES

GENERAL ASSEMBLY

ILAGAN

NATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

ROBERT MANANQUIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with