WUHAN, China--Napabilang ang Smart-Gilas Pilipinas sa Group D para sa preliminary round ng 26th FIBA Asia Championship kasama ang powerhouse China, Bahrain at United Arab Emirates.
Ang two-time defending champion Iran ay makakalaban ang Gulf competitor na Qatar, East Asia’s Chinese-Taipei at isang Middle Asia qualifier sa Group B.
Nasa Group A ang Lebanon, nakapasok mula sa kanilang panalo sa 3rd FIBA Asia Stankovic Cup noong 2010, SEABA’s Malaysia, East Asian champion South Korea at isa pang Middle Asia qualifier.
Ang Group C ay binubuo ng Japan, natalo sa Lebanon sa Stankovic Cup final, SEABA runner-up Indonesia at West Asia’s Jordan at Syria.
Ang Smart-Gilas Pilipinas ang naghari sa nakaraang SEABA Men’s Championship sa Jakarta, Indonesia.
Ang magkakampeon ang siyang maglalaro sa 2012 London Olympics, habang ang magiging No. 2 at No. 3 teams ay papasok sa FIBA Olympic qualifying tournament na magtatampok sa mga wildcard teams mula sa iba pang FIBA zones.