^

PSN Palaro

Lyceum asam ang 2-0 panimula

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Solo liderato ang hanap ng Lyceum, habang una­han sa pagbangon matapos ang masakit na kabi­guan ang asam naman ng Jose Rizal University at Arellano sa 87th NCAA men’s basketball sa The Are­na sa San Juan.

Ang Pirates ay makikipagsukatan sa host University of Perpetual Help System Dalta sa ganap na alas-2 ng hapon at sasandalan nito ang kinuhang 75-63 panalo sa St. Benilde.

Galing naman sa 52-82 kabiguan ang Altas sa nag­dedepensang San Beda at kailangang kakitaan ng sigla ang host team upang matapatan ang inaasahang inspiradong laro ng bataan ni coach Bonnie Tan.

Nasali ang Lyceum ma­ta­pos gawing guest team upang maging ikasampung koponan sa taong ito.

Maaksyong tagisan sa pagitan ng Heavy Bombers at Chiefs ang magaganap sa tampok na laro sa alas-4 ng hapon dahil mag-uunahan ang dalawang koponan na mapasok sa win column.

Nangapa ang Bom­bers, pumasok sa Final Four sa huling tatlong taon, sa kanilang porma nang tanggapin ang 67-73 kabi­guan sa mga kamay ng San Sebastian, habang ang Chiefs ay ginulat naman ng Emilio Aguinaldo College, 77-84.

ANG PIRATES

BONNIE TAN

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

SAN BEDA

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with