^

PSN Palaro

Parks, Slaughter makakalaro na sa 74th UAAP season

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Naplantsa na ang problema sa eligibility nina Bobby Ray Parks, Jr. ng National University at Greg Slaughter ng Ateneo matapos katigan ng UAAP Board ang paglalaro nila para sa 74th UAAP season.

Napatunayan ng mga kinatawan ng NU na nagtungo ang ina ni Parks na si Marifer Barbosa sa United States noong 2003 para magtrabaho at suportahan ang kanyang pamilya.

Kasama sa ipinakita ay ang pasaporte nito, employment certificate at authentic document mula sa Philippine Consular office sa Los Angeles na nagpapatunay na nagtatrabaho si Barbo­sa.

“Malaking bagay si Parks sa amin at masaya ang NU com­munity sa paglalaro niya sa team,” wika ni NU athletic mo­derator Junel Baculi.              

Ang 6-foot-11 namang si Slaughter ay naglaro sa Smart Gilas national team sa 2011 PBA Com­missioner’s Cup.

Hindi sumali sa botohan ang Ateneo pero apat sa pitong bumoto ang nagsabing dapat pahintulutan si Slaughter na makalaro sa liga.

Kailangan namang mai­pakita nina Cameroonian center Karim Abdul ng UST at Nigerian Alinko Mbah ng UP ang sertipikasyon mula sa kanyang Consulate hanggang sa pagtatapos ng first round elimination.

vuukle comment

ATENEO

BOBBY RAY PARKS

GREG SLAUGHTER

JUNEL BACULI

KARIM ABDUL

LOS ANGELES

MARIFER BARBOSA

NATIONAL UNIVERSITY

NIGERIAN ALINKO MBAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with