^

PSN Palaro

Orcollo una pa rin sa WPA ranking

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Napanatili ni Dennis Orcollo ang pangunguna sa WPA men’s pool ranking matapos ang malakas na paglalaro sa World 9-ball Championship sa Doha Qatar.

Umabot hanggang se­mi­finals si Orcollo bago natalo sa kababayang si Ronato Alcano upang makakuha ng 640 puntos at manatiling number one sa kabuuang 2,510 puntos.

Pero nagsisimula ng mag­paramdam ang mga dayuhan sa hangaring ma­agaw ang pinagnanasaang number one spot dahil sa pagbabago sa mga sumunod na puwesto.

Si Yukio Akakariyama na naghari sa World 9-ball tungo sa 1000 puntos ay lumundag mula sa ika-13th puwesto tungo sa ikalawa sa kabuuang 2100 puntos.

Solido ang inilaro ni Aka­kariyama sa huling tatlong malalaking torneo na binibigyan ng WPA puntos dahil umani siya ng 640 nang pumasok sa semifi­nals sa World Ten Ball Championship sa Pilipinas at pumang-anim sa China Open para sa 250 puntos.

Ang dating nasa ikala­wa na si Alcano na siyang tinalo ni Akakariyama ay nalaglag sa ikatlong puwesto sa 2063 puntos habang si Darren Appleton at Chris Melling ng Great Britain ang nasa ikaapat at limang puwesto sa 1,709 at 1,625.

Sina Huidji See ng Ne­therlands (1566), Chang Jun-lin ng Chinese Taipei (1555), Lee Van Corteza ng Pilipinas (1501) at Thorsten Hohmann ng Germany (1,410) ang siyang nasa 6th hanggang 9th place.

Huling torneo na gaga­mitin para madeteramina ang WPA number one pla­yer ng 2011 ay ang US Open sa Oktubre.

CHANG JUN

CHINA OPEN

CHINESE TAIPEI

CHRIS MELLING

DARREN APPLETON

DENNIS ORCOLLO

DOHA QATAR

GREAT BRITAIN

LEE VAN CORTEZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with