Masamang epekto ng NBA lockout
NEW YORK - Ang desisyon ng National Basketball Association na dalhin sa lockout ang kanilang susunod na season ay napasama pa matapos na ring mahulog sa isang labor dispute ang National Football League, ayon sa isang marketing and crisis management expert.
Nagdeklara ng lockout si NBA Commissioner David Stern matapos kumulapso ang kanilang pinaplantsang collective bargaining agreement sa hanay ng mga players.
Ang salary system sa NBA ay dapat ayusin para maiwasan ang pagkalugi ng mga team owners.
“Nobody in the public is receptive to a fight between millionaires and billionaires,” ani Ronn Torossian, CEO ng 5WPR, isang New York public relations firm.
Nagsimula ang NFL lockout noong Marso.
- Latest
- Trending