Diwa ng pagbibigayan pinatibay ng Perpetual
MANILA, Philippines - Higit sa pagpo-promote ng sports, pinanatili ng Season 87 NCAA host University of Perpetual Help System Dalta ang diwa ng pagbibigayan.
Nagbigay si league president Anthony Tamayo ng Altas ng tatlong scholarship grants sa mga beneficiaries ng Pacquiao Foundation na itinatag ni boxing icon at Sarangani Congressman Manny Pacquiao.
"We're giving these scholarship grants to Manny Pacquiao's foundation to help unfortunate kids the education they deserve," sabi ni Tamayo, nakasama si Pacquiao sa pagbubukas ng Season 87 noong Sabado sa Araneta Coliseum.
Bago pa man ang opening ceremonies ay nagbigay na ang Perpetual Help at ang NCAA ng ilang sports at gift items at equipment sa mga batang kapuspalad sa New Bilibid Prison.
Hangad ng Perpetual Help ang kanilang unang NCAA general championship matapos makuha ang kanilang back-to-back titles 15 taon na ang nakararaan.
"Of course, our athletes trained and prepared hard for this season, hopefully we could duplicate that feat this season," wika ni Tamayo sa mga atleta ng Altas.
- Latest
- Trending