EAC kontra Arellano, CSB laban sa LPU sa 87th NCAA
MANILA, Philippines - Hangad ng Generals, Chiefs, Blazers at Pirates na kaagad na makasalo sa liderato ang nagdedepensang Red Lions, Stags at Knights sa elimination round ng 87th NCAA mens’ basketball tournament.
Makakatapat ng Emilio Aguinaldo College ang Arellano University ngayong alas-11:45 ng tanghali, habang magtatagpo ang College of St.Benilde Blazers at Lyceum of the Philippines University sa alas-4 ng hapon sa The Arena sa San Juan.
Umiskor ng panalo ang San Beda, Jose Rizal at Letran noong Sabado.
Sa juniors’ division kahapon, iginupo ng SSC Staglets ang JRU Light Bombers, 70-58, at isinalya ng Letran Squires ang Mapua Red Robins, 72-64.
SSC-R 70 – Calisaan 19, Balid 11, Pante 11, Escalambre 8, Macasaet 7, Costelo 5, Castor L. 4, Magno 2, Gayosa 2, Parina 1, Velasco 0, Dyke 0, Rivera 0, Miasco 0, Libunao 0.
JRU 58 – Molina 16, Zuniga 13, Fegidero 11, Montenegro 8, Fernandez 6, Sumunguid 2, Faundo 2, Custodio 0, Barrameda 0.
Quarterscores: 15-14; 31-29; 48-44; 70-58.
- Latest
- Trending