^

PSN Palaro

Bagsik ng paghihiganti

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Umabot sa 13,000 ang mga taong nagtungo sa Rizal Memorial Football Field para ipakita ang paniniwala nila sa kakayahan ng Azkals.

Hindi naman sila nabigo dahil nailabas ng pambansang koponan ang kani­lang matatalim na pangil tungo sa 4-0 panalo sa Sri Lanka at makaabante na sa second round ng 2014 World Cup Asian Qualifier laban sa Kuwait.

 “The Azkals proved something, that they can play also the best football in this country,” wika ni Mariano Araneta na pa­ngulo ng Philippine Football Federation (PFF).

Nagawang isantabi ni Phil Younghusband ang tinamong hamstring injury sa unang tagisan sa Colombo na nauwi sa 1-1 draw nang makaiskor ito ng dalawang goals, habang tig-isa naman ang ibinigay nina Chieffy Caligdong at Angel Guirado.

Unang goal ay hatid ni Caligdong sa 19th mi­nute lamang at dalawang minuto bago natapos ang first half ay angat na sa 2-0 ang host team buhat sa goal ni Younghusband.

Hindi nagkumpiyansa ang Azkals at ipinagpatuloy ang pag-atake bukod pa sa matibay na depensa.

Si Guirado ang umako ng ikatlong goal nang malusutan ang Brave Reds goalie bago si Younghusband ang tumapos sa iskor ng Pilipinas sa isang free kick.

Hindi naman na naka­sama sa post game interview si Younghusband dahil itinakbo siya sa ospital para lapatan ng lunas ang matinding cramps na uma­take sa kanya dahil sa tindi ng ipinakita.

“We open the knot. It was a deserve score we have quality players and I’m happy we showed what they can do,” wika ni German coach Hans Michael Weiss.

Sa kabuuan, ang Pi­li­pinas ay nagtala ng 5-1 pa­nalo sa Sri Lanka na inamin na­mang mas mahusay ang Azkals kesa sa kani­lang ko­ponan.

 “This is just the start, we got long ways to go,” wika naman ni team skipper Aly Borromeo.

Ang laro sa Kuwait ay iti­nakda sa Hulyo 23 at 28 at unang gagawin ang laban sa balwarte ng kalaban ba­go ibalik sa Rizal Football Field sa home game ng Azk­als.

Nabigyan ng mga yellow cards sina Borromeo at Stephan Schrock at sinasabing posibleng hindi ma­kalaro sa first leg sa Ku­wait.

Pero hihintayin na mu­na ni Weiss ang opisyal na pahayag ng FIFA bago gumawa ng aksyon.

Laban sa Kuwait, dapat na­man umanong higpitan pa ang depensa dahil di ha­mak na mas mataas ang ka­lidad ng mga ito kumpara sa Sri Lankans.

Idinaan naman ni Angel Loc­sin ang kanyang kasiyahan sa Twitter.

“Woohoooo!!!! Congra­tulations #azkals!!!!!!!”

ALY BORROMEO

ANGEL GUIRADO

ANGEL LOC

AZKALS

BRAVE REDS

CHIEFFY CALIGDONG

HANS MICHAEL WEISS

SHY

SRI LANKA

YOUNGHUSBAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with