Manila, Philippines - Inihayag kahapon ng Nike Philippines ang muli nilang pagdadala kay Kobe Bryant sa Maynila sa ikatlong pagkakataon sa Hulyo 13, 2011 para sa kick off ng kanyang five-city tour.
Ang Maynila ang una niyang biyahe bago magtungo sa Seoul at ilang siyudad sa China.
“Nike is proud to bring Kobe Bryant back to Manila. In his last two visits, Kobe was able to connect with a lot of young Filipino athletes, encouraging them to fulfill their dreams through sport like he did,” wika ni Nike Philippines Country Marketing Manager Mae Dichupa.
Sa gulang na tatlong taon, alam na ni Bryant na gusto niyang maging isang basketball player. Pinagbuti niya ang kanyang skills at drills na nakatulong sa kanya para maging isang basketball superstar.
Noong 1996, hinugot siya ng Los Angles Lakers sa NBA Draft kung saan siya nakatulong sa limang NBA championship.
Isang MVP awardee at nakatanggap ng apat na All-Star MVP awards, ang one-day visit ni Bryant at magsisimula sa isang short show sa Nike Park, The Fort sa ganap na alas-3 ng hapon.
Ang main event ay gagawin sa Araneta Coliseum sa alas-5 ng hapon kasama ang ilang players mula sa mga Nike-sponsored FEU Tamaraws, DLSU Green Archers, ADMU Blue Eagles at Smart Gilas Pilipinas.
Ang tiket ay makukuha sa Nike Park The Fort at sa Titan The Fort sa Hulyo 2.