Pinoy Davis Cupper puntang New Zealand

Manila, Philippines - Aalis ngayon ang Cebuana Lhuillier-Philippine team sa New Zealand para sa Asia-Oceania Davis Cup tie.

Hangad ng Nationals na manatili sa Group I sa kanilang salpukan ng mga Kiwis sa Hulyo 8-9 sa City of Hawera.

Tanging sina Fil-Ame­rican Ruben Gonzales at homegrown bet Johnny Arcilla ang bibiyahe, habang sina Fil-Ams Cecil Mamiit at Treat Conrad Huey ay magmumula sa United States.

Si juniors sensation Jeson Patrombon ay mang­gagaling naman sa kanyang kampanya sa Wimbledon sa London.

Tinalo na ng RP Team ang New Zealand, 4-1, sa kanilang limang beses na pagtatagpo sapul noong 1963.

Sasama rin sa koponan si Jean Lhuillier ng Cebuana Lhuillier group of companies sa Nationals bilang team manager.

 Ang matatalo sa Natio­n­als at Kiwis ang mahuhulog sa relegation tie kontra Chinese, Taipei habang ang mananalo ay posibleng makalaro sa World Group.

Show comments