^

PSN Palaro

Azkals 'di puwedeng matalo vs Sri Lanka

- Ni Angeline Tan -

Manila, Philippines - Huhugot ng karagdagang puwersa ang Philippine Azkals sa inaasahang mag-uumapaw na panatiko na sasaksihan ang kani­lang home game kontra sa Sri Lanka sa 2014 FIFA World Cup Asian qualifier sa bagong kumpuning Rizal Memorial Football Stadium.

Ganap na alas-3:30 ng hapon itinakda ang laba­nan at kailangang magpa­kitang-gilas ang Azkals ma­tapos masuwertehan nilang makatabla sa Brave Reds sa unang laro na gi­na­nap sa Colombo nitong nagdaang Miyerkules.

Kailangan lamang ng host team na makipag-sco­reless draw sa dayong ko­ponan para makuha ang ka­rapatang makaabante sa second round kalaban ang Kuwait.          

Binibilang sa serye ang away goals kaya’t matatalo ang Sri Lanka kung walang makaiskor sa dalawang ko­ponan sa tagisang ito.

Ngunit kung mauwi sa 2-2 o higit pa ang tablang iskor, ang bisitang koponan ay aabante at mamama­alam na ang Pilipinas.

Hindi pa nakakaabante ang Pilipinas sa isang World Cup qualifier at isa ito sa nagtutulak sa bawat Azkals na ibigay ang lahat ng makakaya para makuha ang makasaysayang tagumpay.

“Isa lamang ang gusto ng mga Filipino, ang manalo ang Azkals sa Sri Lanka. At ito ang ipinangakong ga­gawin nila sa larong ito,” wika ni team manager Dan Palami.

Taliwas sa pinanga­ngam­­bahan, maglalaro ang striker na si Phil Young­husband na inilabas sa laro sa Colombo bunga ng pananakit uli ng kanyang hamstring injury.

Nagsanay si Young­husband kasama ng ibang kasapi ng koponan kahapon at handa nang ipakita uli ang liksi sa field ngayong hapon.

Wala namang balak na baguhin sa ipaiiral na dis­karte ng Azkals si German coach Hans Michael Weiss sa larong ito.

“We will continue to attack and pressure them from start to finish. We are looking forward to play against a strong opponent and hopefully we can succeed it the next leveL,” wika ni Weiss.

Ang Brave Reds ay nagsagawa rin ng pagsa­sanay kahapon at kahit sila ay kumbinsido sa tsansang manalo para makaabante sa second round.

Hindi epektibo ang magiging mainit na suporta na ipakikita ng halos 12,000 manonood dahil alam na umano ng Sri Lankans ang dapat na asahan ngayong sa Pilipinas gagawin ang labanan.

ANG BRAVE REDS

AZKALS

BRAVE REDS

DAN PALAMI

HANS MICHAEL WEISS

PHIL YOUNG

PILIPINAS

SHY

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with