^

PSN Palaro

Altas susubukan ang Red Lions sa 87th NCAA opening ngayon

- Ni RCadayona -

Manila, Philippines - Ang host University of Perpetual Help-Dalta Sys­tem ang kaagad na ma­kakalaban ng nagde­depensnag San Beda College sa pagbubukas ng 87th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Magtatagpo ang San Beda at ang Perpetual nga­yong alas-2 ng hapon kasunod ang salpukan ng San Sebastian College at Jose Rizal University sa alas-4 at ang banggaan ng Letran College at Mapua Institute of Technology sa alas-6 ng gabi.

Sa pag-upo ni 6-foot-7 American import Sudan Daniel sa kabuuan ng 87th season dahilan sa ACL (anterior cruciate ligament)  injury, sinabi ni coach Frankie Lim na isa itong magiging hamon para sa Red Lions.

“It would be a very challenging season because we’re coming off a historic season last year but everybody is raring to go,” wika ni Lim sa San Beda.

Isang 18-game sweep ang ipinoste ng Red Lions noong nakaraang season upang angkinin ang NCAA crown laban sa Stags.

Bukod kina Garvo La­nete, Dave Marcelo, Jake Pascual at kambal na sina David at Anthony Semerad, ipaparada rin ng Mendiola-based cagers si rookie Baser Amer, dating high school MVP na tumulong sa San Beda Cubs sa pag-angkin sa 2010 NCAA juniors title.

Hangad ng Red Lions ang kanilang pang 17th NCAA championship na mag-aangat sa kanila mula sa pagkakatabla sa Knights sa pagkakaroon ng tig-16 titulo.

Si dating San Sebastian pointguard Topex Robinson ang siya namang gigiya sa Stags sa pagsagupa sa Heavy Bombers sa ikalawang laro.

vuukle comment

ANTHONY SEMERAD

ARANETA COLISEUM

BASER AMER

DAVE MARCELO

FRANKIE LIM

GARVO LA

HEAVY BOMBERS

JAKE PASCUAL

RED LIONS

SAN BEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with