Shell Active Chess sa Hulyo 2-3 sa SM Skydome
MANILA, Philippines - Muling sisimulan ang paghahanap sa mga future chess stars ngayong Hulyo sa pagsulong ng Shell National Youth Active Chess Championship (Shell Active Chess) sa pamamagitan ng isang five-leg regional eliminations patungo sa grand finals sa October.
Ang Skydome Event Center sa SM North EDSA ang tatayong host ng first leg sa Hulyo 2-3 para sa National Capital Region leg bago dalhin ang circuit sa Tuguegarao para sa Northern Luzon leg sa Hulyo 23-24 sa Brickstone Mall.
Ang Batangas ang magiging host ng third leg sa Agosto 13-14 para sa Southern Luzon stage at matatapos sa Setyembre 10-11 sa SM Cebu-Activity Center para sa Visayas leg.
Ang pagpapalista para sa Shell Active Chess ay nagaganap na. Ang registration forms ay makukuha sa Pilipinas Shell website (www.shell.com.ph/shell_chess <http://www.shell.com.ph/shell_chess, at sa mga selected schools, chess clubs at municipal/provincial government offices.
Ang entry fee ay P100 para sa limitadong 300 participants sa first-come, first-served basis.
Para sa detalye, tumawag kay tournament directorAlex Dinoy (0922-8288510 o 02-400-3248) o sa leg coordinators na sina Mariano Cabugos (078) 844-0513 (Tuguegarao),Joselito Castro (043) 723-2568/723-4246 (Batangas), Ronnie Tabudlong (0929-240-7371 o sa 082 300-4260 (Davao) at Odilon Badilles (0906-555-6073) (Cebu).
- Latest
- Trending