^

PSN Palaro

Azkals, Sri Lanka tabla

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Muntik nang naging ba­ngungot para sa Philippine Azkals ang tagisan nila ng Sri Lanka nang magtapos sa 1-1 draw ang pagbu­bu­kas ng 2014 World Cup Asian Qualifier na nilaro sa Sugathadasa Stadium, Colombo kagabi.

Si Nate Burkey na pumalit kay Phil Younghusband ang siyang nagsalba sa sana’y minalas na kampanya ng mas pinaboran na Azkals nang makaiskor ng panablang goal sa kanyang header sa 50th minute ng la­banan.

Naunang umiskor ang home team sa katauhan ni Chathura Gunarathana na nagkaroon ng free kick sa 43rd minute sa first half.

Di sinasadyang tumama ang bolang sinipa ni Gunarathana sa ulo ni Rob Gier na nagresulta upang lumusot sa ilalim na bahagi ng goal para sa 1-0 kalama­ngan.

Nagkaroon ng free kick si Gunarathana nang bigyan ng yello card si Stephan Schrock bagay na nabawi naman ng Azkals dala ng pagbibida ni Burkey.

May huling atake pa ang Sri Lanka sa katauhan ni Anton Nimal Fernando na nalusutan ang depensa ng Azkals at nakapasok sa penalty box.

Ngunit naging handa si goalie Neil Etheridge at nasalo ang krusyal na sipa ni Fernando halos 10 minuto pa bago natapos ang laban.

Lilipat ang laro sa Pilipinas sa Hulyo 3 sa home ga­­me ng Azkals sa bagong ayos na Rizal Memorial Football Field at kailangang manalo ang Pambansang koponan upang makaabante sa second round laban sa nagpapahingang Kuwait.

Hinulaan ang Pilipinas na mananalo sa laro nila ng Sri Lanka dahil ang duma­yong koponan ay nagtataglay ng mas mataas na world ran­king sa 156 kumpara sa 169 ng Sri Lanka     

Pero nagsilbing hamon ito sa host country na naging agresibo sa pag-atake at muntik itong nagbunga kung di sa mahalagang hea­der ni Burkey.

.

ANTON NIMAL FERNANDO

AZKALS

CHATHURA GUNARATHANA

GUNARATHANA

NEIL ETHERIDGE

PHIL YOUNGHUSBAND

PHILIPPINE AZKALS

SHY

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with