^

PSN Palaro

Reyes, Orcollo humabol sa Last 64

- Ni Angeline Tan -

Manila, Philippines - Hindi nagpatumpik-tum­pik pa ang mga pinagpipitaganang bilyarista ng Pilipinas na sina Dennis Orcollo at Efren “Bata” Reyes nang makapasok na sila sa knockout phase ng 2011 World 9-Ball Championship na ginaganap sa Al Sadd Sports Club sa Doha Qatar.

Hinarap ni Orcollo ang di gaanong kilala na si Jalal Yousef ng Venezuela at kanyang inilampaso ito, 9-3, para maalpasan ang group elimination mula sa winner’s bracket.

Wala ring hirap si Reyes na dinurog naman si Kons­tantin Stepanov ng Russia, 9-3, upang samahan si Orcollo na nakaabante mula sa Group A.

Anim pang Filipino cue artist na kabilang sa 128 pool players sa mundo na naglaro sa group eliminations ang nakaabante na sa Last 64.

 Ang nagdedepensang kampeon na si Francisco Bustamante ay nanalo kay AlazmiMajed ng Kuwait, 9-4, sa Group D, si Carlo Biado ay nangibaaw kay Le Gun Kae ng Korea sa Group D; si Oliver Medenilla ay nanalo kay Nguyen Phuong Thao ng Vietnam, 9-6, sa Group G; si Jeff De Luna ay na­naig kayRiyan Setiawan ng Indonesia, 9-4, sa Group H, si Allan Cuartero ay umabante sa 9-5 panalo kay Marcus Chamat ng Sweden sa Group L at si Antonio Lining ay may 9-4 tagumpay kay Tohru Korubayashi ng Japan sa Group P.

Hindi naman nasustini­han ni Ronato Alcano ang kanyang huling panalo ma­tapos malaglag sa loser’s brackets makaraang luma­sap ng 9-8 kabiguan sa mga kamay nina Radoslaw Babica sa Group M at Israel Rota na yumuko naman kay Chang Yu Lun ng Chinese-Taipei, 9-3, sa Group K.

vuukle comment

AL SADD SPORTS CLUB

ALLAN CUARTERO

ANTONIO LINING

BALL CHAMPIONSHIP

CARLO BIADO

CHANG YU LUN

DENNIS ORCOLLO

DOHA QATAR

FRANCISCO BUSTAMANTE

GROUP

GROUP D

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with