Ginca igigiya ang Altas kapalit ni Aldeguer
MANILA, Philippines - Bagamat noong nakaraang linggo pa nila napag-usapan ang pagbibitiw ni Boris Aldeguer bilang head coach ng Altas, kahapon lamang opisyal na kinilala ng University of Perpetual Help-DALTA System si Jembel Ginca bilang bagong mentor.
Ikinagulat ni Ginca, naging assistant ni Aldeguer sa bench ng Altas noong nakaraang taon, ang paglalagay sa kanya sa head coaching post.
“Actually, last week nag-usap usap na kami ni coach Boris na baka ganito ang mangyari,” ani Ginca.
Ang Perpetual ay naglista ng 2-14 win-loss record noongnakaraang taon gaya ng Emilio Aguinaldo Chiefs.
Ang sinasabing dahilan ng pagbibitiw ni Aldeguer, gumiya sa La Salle-Zobel Junior Archers sa korona ng UAAP noong 2007, ay ang kabiguan ng NCAA Management Committee (ManCom) na paglaruin si 6-foot-5 center Paul Nuilan para sa 87th season na sisimulan sa Hulyo 2.
Tanging si 6’4 forward Marlon Gomez ang nakapasa sa eligibility standard ng 87th NCAA season.
Sina Arnold Danganan, ang kanilang best scorer noong nakaraang NCAA season, Jett Vidal at George Allen ang muling gagabay sa Perpetual, huling nakapasok sa finals noong 2004 kung saan sila natalo sa Philippine Christian University.
- Latest
- Trending