MANILA, Philippines - Dumagsa sa Lanao del Norte ang mga manonood para saksihan ang ikaanim na yugto ng Enersel Forte Philippine National Motocross Series at World Motocross Series noong Hunyo 25-27.
Ang national rider ng bansa na si Glenn Aguilar ang nanguna sa Pro Open category ngunit nagtapos lamang sa ikaapat na puwesto sa International Pro Open. Tinalo siya ng mga Amerikanong riders na sina Tiger Lacey, Daniel Blair at Dennis Stapleton.
Sina Kimboy Pineda at Bornok Mangosong ang sumegunda at tumersera sa Pro Open category, at ang Golden Wheel awardee naman na si Donark Yuzon ay nagtapos sa No. 10. Si Yuzon ay No. 12 sa International Pro Open.
Ang pangulo at CEO ng SEL-J Sports na si Jay Lacnit, ang namumuno sa pagtaguyod ng motocross sa Pilipinas, ay nanguna sa mga kategoryang Executive B para sa higit 40 taong gulang at Executive C, at pang-13 sa kategoryang Executive A (Veterans).
Ang top three na kampeon ng bawat kategorya ay sina: Arbot Romanos, Paeng Onahon, at Francis Sacala (Beginner Local Enduro); John Michael Almerino, Sai Sai Busayong, at Arbot Romanos (Local Open Enduro); Paolo Bahan, Ian Mapalo, at Scott Remi (Beginner Open Prod.); Atong Mangosong, Jesse Pineda, at Jacob Orbe (Novice Open Prod.); Paeng Onahon, Jungle Cabuco, at Dimol Isidro (Underbone Open); at Paeng Onahon, Robinson Dela Piedra, at Ayan Canete (Underbone Novice).