^

PSN Palaro

Bagong import ipaparada ng B-Meg vs Talk N Text sa Dubai

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Nabigo ang B-Meg Der­by Ace na makakuha ng disenteng laro kay import Stefon Hannah sa na­karaang apat na laro ng Llamados sa elimination round ng 2011 PBA Gover­nors Cup.

At sa kanilang paki­ki­pag­harap sa Talk ‘N Text sa Hu­webes sa Dubai, United Arab Emirates, inaasahang ipaparada ng B-Meg ang ba­guhang si Darnel Hinson bilang kapalit ng 5-foot-11 na si Hannah.

Sa kanyang huling laro, tumipa si Hannah ng 23 points para sa 104-92 paggupo ng Llamados sa Me­ralco Bolts noong Linggo sa The Arena sa San Juan.

May 2-2 rekord ngayon ang B-Meg katabla ang Petron Blaze (2-2) at Alaska (2-2) sa ilalim ng Talk ‘N Text (3-0), Rain or Shine (3-1) at Barangay Ginebra (2-1) at kasunod ang Po­werade (1-3) at Air21 (0-4).

“We need consisten­sy para naman guys like James Yap and Peter June Simon need not exert so much effort offensively kasi kailangan pa rin nilang du­mepensa,” ani head coach Jorge Gallent sa kanilang import.

Si Hinson ay naglaro sa Europe noong 2003 para sa USC Freiburg sa Germany kung saan niya pinamunuan ang tropa sa scoring sa kanyang 20.2 points per game average bago nagtungo sa Netherlands at kumampanya sa Landstede Zwolle noong 2005-2006 at sa Hanze­vast Capitals noong 2006-2007.

Sa 2007-2008 season para sa West Sydney Razorbacks sa NBL, puma­sok si Hinson sa top 10 sa scoring (20.9 ppg) at sa top 20 sa assists (4.1).

Mula sa paglalaro para sa Perth Wildcats, lumipat si Hinson, inaasahan ni Gallent na magsasalba sa Llamdos, sa CSP Limoges (French Pro B), isa sa pinaka-popular na French basketball teams.

B-MEG

B-MEG DER

BARANGAY GINEBRA

DARNEL HINSON

FRENCH PRO B

HANNAH

HINSON

JAMES YAP AND PETER JUNE SIMON

JORGE GALLENT

LANDSTEDE ZWOLLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with