MANILA, Philippines - Sa kanilang huling pakikipagharap sa Sri Lanka noong 1996 sa World Cup qualifier sa Doha, Qatar, natalo ang Philippine Team.
Ito ang isa sa mga bagay na magiging ‘motivation’ ng mga Filipino booters, kilala ngayong mga Azkals, sa kanilang two-leg series ng Red Braves na nakatakda sa Hunyo 29 sa Colombo, Sri Lanka at sa Hulyo 3 sa Rizal Memorial Stadium sa Vito Cruz, Manila.
Nakatakdang harapin bukas ng Azkals ang Red Braves para sa 2014 FIFA World Cup Asian Qualifiers.
Matapos ang 15 taon ay marami nang nangyari sa Philippine football kung saan umangat ang Azkals sa mga nilahukan nitong international tournaments.
Ilan rito ay ang kanilang 2-0 panalo sa Vietnam sa semifinal round ng 2010 AFF Suzuki Cup at ang pagpasok sa main draw ng AFC Challenge Cup.
Ang Azkals ay kasalukuyang No. 156 sa FIFA ranking kumpara sa 169 ng Red Brave Reds, nanggaling sa dalawang talo at isang draw sa kanilang AFC Challenge Cup qualifiers noong nakaraang taon.
Upang makaabante sa second round ng World Cup Asian qualifiers sa kauna-unahang pagkakataon, hinugot ng Philippine Football Federation (PFF) sina Fil-foreigners Manuel Ott, Stephan Schorck, Nathaniel Burkey at Paul Mulders.
Makakatuwang sila nina Neil Etheridge, Phil at James Younghusband, Aly Borromeo at Chieffy Caligdong.
Isang two-week training ang ginawa ng Azkals sa Germany kung saan nila nilabanan ang apat na German clubs, kasama rito ang pagkatalo sa second division team na FC Ingolstadt 04 at ang third division club na SV Darmstadt 98.
Natalo ang Azkals sa Ingoldstadt, 0-4, at nabigo sa Darmstadt, 0-5.