^

PSN Palaro

Django, Bata umiskor ng panalo sa 2011 World 9-Ball Championship

-

MANILA, Philippines - Kapwa umiskor ng pa­nalo sina reigning WPA World 9-ball champion Francisco "Django" Bustamante at dating World 9-ball at 8-ball champion Efren ‘Bata’ Reyes sa pagsisimula ng 2011 World 9-Ball Championship sa Al Sadd Sports Club sa Doha, Qatar noong Sabado ng gabi.

Nagtala si Bustamante ng 9-7 tagumpay kontra kay Caneda Villamor sa Group D, habang binigo ni Reyes si Mark Gray ng Great Britain, 9-8, sa Group A.

Mula sa 2-6 agwat sa laro, nagawa ni Reyes na makatabla sa 7-7 patungo sa 8-7 abante buhat sa break and run sa 15th rack.

Nakamit ni Reyes ang huling rack para sa kanyang 9-7 panalo kay Gray.

Sina Bustamante at Reyes ay napunta sa winners’ side kung saan ay isang panalo na lamang ang kanilang kailangan para umusad sa round-of-64.

Ang iba pang mga Filipino na naglista ng panalo ay sina Dennis "Robocop" Orcollo, nanaig kay Andrew Kong ng Hong Kong, 9-4, sa Group A; si 2011 World Ten Ball semifina­list Carlo ‘Cool’ Biado kay Petri Makkonen ng Finland , 9-5, sa Group D.

Sa second round, ma­kakalaban ni Reyes si Kons­tantin Stepanov ng Rus­sia; makakaharap ni Or­collo si Yousef Jalal ng Ve­nezuela; makakasagupa ni Bustamante si Majide Alazme ng Kuwait.

Nabigo naman si Anto­nio ‘Gaga’ Gabica, ang 2006 Doha Asian Games 9-ball gold medal winner at 8-ball silver medallist, kay 2011 China Open Champion Chris Melling ng Great Bri­tain, 9-8, sa Group B.

Natalo rin si 2007 World 9-ball finalist Roberto ‘Pinoy Su­perman’ Gomez kay Ma­nuel Gama ng Portugal, 9-8, sa Group E.

May nakalatag na $250,­000 total prize kung saan ang $36,000 ay ibibi­gay sa mag­kakampeon.

AL SADD SPORTS CLUB

ANDREW KONG

BALL

BALL CHAMPIONSHIP

BUSTAMANTE

CANEDA VILLAMOR

CHINA OPEN CHAMPION CHRIS MELLING

GROUP A

GROUP D

REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with