^

PSN Palaro

Arum nahihirapang pumili sa HBO, Showtime

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Sa tagal na ni Bob Arum bilang isang boxing promo­ter, aminado naman siyang ngayon lamang niya nararanasan ang makipag-usap sa dalawang dambuhalang networks para sa inihahandang laban.

Ang Showtime at HBO ay nag-uunahan para sa pay-per-view rights sa su­nod na laban ni Manny Pac­quiao kontra kay Juan Manuel Marquez sa Nob­yembre.

“We’re in the process of getting our proposals from HBO’s Time Warner and CBS/Showtime, and I must say there is a frenzy. It’s unbelievable,” wika ni Arum sa panayam ni Lem Satterfield ng Boxingscene.

Ang HBO ang dating nagsasaere ng PPV ni Pacquiao pero sa huling laban nito kontra kay Shane Mosley ay kinuha ni Arum ang CBS/Showtime at produktibo rin ito dahi sinasabing pumalo sa 1.3 hanggang 1.4 PPV buys ang nasabing laban nitong Mayo.

Mahigpit ang tagisan ng HBO at Showtime at ma­laking pera ang kanilang ini aalok ng magkabilang kam­po na ikinatutuwa naman ng beteranong promo­ter.

“They’re offering for the promotion an incredible amount of support like I’ve never seen before,” dagdag pa ni Arum.

Gumastos ang Showtime ng halos $10 million sa Pacquiao-Mosley fight at para sa laban ng pambansang kamao kay Marquez, tinatantiya ni Arum na hindi bababa sa $15 million ang ipapasang proposals ng dalawang kumpanya.

Unang magpapasa ng proposal ang HBO bago su­munod ang Showtime at naniniwala si Arum na sa lalong madaling panahon ay makakapagdesisyon na sila sa kung saan ibibigay ang PPV rights.

“We’re in the process now of making a decision within the next week. HBO blew us over last night with its proposal. We’re not dealing with the sports department. We’re dealing directly with the chief executives. I never believe they would come up with anything like this,” pahayag pa ng 79-an­yos na promoter.

Mataas ang interes sa labang ito dahil ito ang ikatlong pagtutuos nina Pacquiao at Marquez.

Itataya rin ni Pacquiao ang hawak na WBO welterweight title pero gagawin ito sa catchweight na 144 pounds na magbibigay tsansa kay Marquez na ma­nalo rin sa sagupaan.   

Samantala, sisimulan naman sa Agosto ang promotional tour ng kanilang laban sa 8 bansa.

ANG SHOWTIME

BOB ARUM

JUAN MANUEL MARQUEZ

LEM SATTERFIELD

MANNY PAC

MARQUEZ

PACQUIAO

SHOWTIME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with