Dahil kay 'Falcon' 2 pares na laban sa BP kinansela

MANILA, Philippines - Dahil alanganin ang panahon kaya’t nagdesisyon ang Community Sports Inc. na kanselahin na ang mga nakatakdang laro sa linggong ito sa Baseball Philippines Series VIII sa Clark Field Parade Grounds sa Pampanga.

Ipagpapatuloy sana ang naudlot na laro sa pagitan ng Manila Sharks at Alabang Tigers bago sundan ng pagkikita ng Cebu Dolphins at Dumaguete Unibi­kers nitong Sabado.

Pero dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan sa Clark dala ng bagyong ‘Falcon’, ang naunang planong ilipat ang nasabing double header tungo ngayon ay hindi na rin itinuloy dahil sa maputik na playing field.

Kumpleto na ang mga koponang maglalaro sa Final Four dahil ang Sharks (8-1), Cebu (7-2), Batangas (5-5) at Taguig (4-5) ang nakaabante na para manatiling palaban sa titulo ng ligang suportado rin ng Gatorade, Rawlings, The Heritage Park, Harbour Centre. Philippine Transmarine Corporation at Philippine Sports Commission (PSC).

Show comments