^

PSN Palaro

Venus lusot sa Japanese netter

-

WIMBLEDON, England - Matapos ang 15 na taon na paglalaro sa All England Club, alam na ni Venus Williams kung pa­ano manalo sa isang krusyal na laban.

Bagamat naglalaro sa kanyang unang torneo matapos ang isang five-month layoff bunga ng isang hip injury, umiskor pa rin ang 31-anyos na si Williams ng isang 6-7 (6), 6-3, 8-6 panalo laban sa 40-anyos na Japanese player na si Kimiko Date-Krumm patungo sa third round.

Hangad ni Williams ang kanyang pang anim na Wimbledon title.

“In terms of feeling age, I definitely feel the ex­perience of it all, and I think that’s huge for me,” wika ni Williams sa kanyang tagumpay kay Date-Krumm.

Naiwanan si Williams sa first set, 5-1, bago siya tapusin ni Date-Krumm sa loob ng 65 minuto sa naturang yugto.

Sa kabuuan, winakasan ni Williams ang kanilang laro ni Date-Krumm sa loob ng dalawang oras at 56 minuto kumpara sa kanyang 59 minutong panalo kay Akgul Amanmuradova sa first round.

Sa men’s division, tinalo ni defending champion Rafael Nadal si Ryan Swee­ting, 6-3, 6-2, 6-4.

AKGUL AMANMURADOVA

ALL ENGLAND CLUB

BAGAMAT

DATE-KRUMM

HANGAD

KIMIKO DATE-KRUMM

MATAPOS

NAIWANAN

RAFAEL NADAL

RYAN SWEE

VENUS WILLIAMS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with